Ikinakasa naman ngayon ng kampo ni Manila City Councilor Greco Belgica ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales.
Ito’y makaraang ibasura ng Supreme Court (SC) ang inihain nilang disbarment case laban sa Ombudsman dahil sa pagkiling nito kay dating Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa usapin ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa” kay Belgica, sinabi nito na tanggap nila ang naging desisyon ng High Tribunal ngunit hindi aniya dapat palampasin ang mga pagkakasala ni Morales sa bayan.
Pakinggan: Bahagi ng panayam kay dating Manila Councilor Greco Belgica
Subalit iginiit ni Belgica na dapat ipinaliwanag ni Morales sa taumbayan kung bakit inabsuwelto nito si Ginoong Aquino gayung batid naman aniya ng lahat na may basbas niya ang paggamit ng pondo.
Pakinggan: Bahagi ng panayam kay dating Manila Councilor Greco Belgica
By Jaymark Dagala / BNSP (Interview)