Dismayado si AKO Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin Jr. sa naging desisyon ng Korte Suprema sa mga petisyon laban sa provincial bus ban sa EDSA.
Ayon kay Garbin, dapat ay may hurisdiksyon ang Korte Suprema sa mga naturang petisyon.
Aniya, isa ang isyu ng provincial bus ban na dapat ay matugunan kaagad.
Una nang dinismiss ng Kataas-Taasang Hukuman ang mga petisyon na kumokontra sa pagpapatupad ng provincial bus ban at terminals sa nabanggit na lugar.