Ikinatuwa ng Department of Justice o DOJ ang pasya ng Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Senadora Leila de Lima.
Ito ay may kaugnayan sa kahilingan ni De Lima na makalaya at ibalewala ang kinahaharap na kasong may kinalaman sa iligal na adroga.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinatunayan nito na hindi sila nagkamali nang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si De Lima.
Malinaw din aniya ang isinasaad ng batas na ang mababang hukuman lamang ang may buong kapangyarihan para dinggin ang kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Matatandaang, kinuwestiyon ni De Lima ang hurisdikasyon at kautusan ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 Judge Juanita Guerrero na nagpapa-aresto sa senadora matapos ito sampahan ng kaso dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal drug trading sa New Bilibid Prison o NBP.