Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagbasura ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang P2,000 dagdag pensyon sa mga retired member ng Social Security System (SSS).
Kapwa naniniwala sina Senator Cynthia Villar at Isabela Rep. Rodolfo Fariñas na magkakaroon ito ng epekto sa mga kandidato ng administrasyon lalo kina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Sa panig ni Leyte Rep. Martin Romualdez, inihayag nito na sinayang lamang ng pangulo ang pagkakataon upang makapag-iwan ng magandang pamana bago ito bumaba sa puwesto.
Pinayuhan naman ni Senador Ralph Recto ang punong ehekutibo na ikasa na lamang ang P1,000 dagdag sa SSS pension kung natataasan sa panukalang P2,000 increase.
Samantala, kinondena ng Kilusang Mayo Uno ang pagbalewala ng punong ehekutibo sa SSS pension hike bill na indikasyon na walang puso, respeto at malasakit sa mga nakatatanda.
By Drew Nacino
4 comments
Aquino is not only heartless, he is also brainless..!!!!!!! Lahat ng problema may solusyon..! Pero kay PNoy … basta ……walang solusyon….!!!!.
The leadership of the state-owned pension agency must provide alternative proposal to extend economic relief to the pensioners who are in their sunset years
government is in the business of protecting and providing help to its citizens and signing the said measure into law would mean fulfilling one of its mandated tasks
P2,000 is a small portion lamang compare sa mga naglalakihang natatanggap ng mga SSS managers & directors.