Nagsagawa ng rally ang isang transport group sa tanggapan ng Department of Finance para magprotesta hinggil sa taas-presyo sa mga produktong petrolyo dahil sa ikalawang bugso ng excise tax.
Giit ni Steve Ranjo, secretary general ng transport group na Piston, dapat ng ibasura ng gobyerno ang naturang excise tax na nagpatong pa ng dagdag na dalawang piso sa halaga ng kada litro ng langis, bukod pa ito sa taas-presyong bunsod ng pagmahal ng langis sa pandaigdigang merkado.
Hindi rin anya nila ramdam ang tulong ng ipinamahaging ‘Pantawid Pasada’ fuel cards dahil nakapangalan ang mga ito sa mga jeepney operators.
Hindi aniya basta-basta pinapayagan ng mga operators na gamitin ito ng mga tsuper.
Samantala, suportado naman ng piston ang mungkahi ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na ibalik na sa sampung piso ang minimum na pasahe sa mga jeep.