Pinagtibay ng House Committee on Justice ang pagbasura nila sa impeachment complaint laban kay COMELEC chairMan Andres Bautista.
Sa unang botohan ay 19 ang pumabor na ibasura ang impeachment complaint laban sa dalawa.
Gayunman, pina-ulit ni Congressman Rodolfo Fariñas ang botohan dahil kailangan anyang mayorya ng lahat ng miyembro ang boboto para mapagtibay ang isang resolusyon.
Sa ikalawang botohan, 25 congressmen ang bumoto pabor sa resolusyong nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Bautista at dalawa ang tumutol.
Ayon kay Congressman Rey Umali, chairman ng komite, maaari pang mabuhay ang impeachment complaint laban kay Bautista kapag isinalang nila ito sa plenaryo at binaliktad ng one third ng lahat ng miyembro ng Kongreso.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni House Justice Committee Chairman Rey Umali
Matatandaang, noong Setyembre 20 ay idineklarang insufficient in form ng Kamara ang inihaing reklamo nina dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio laban kay Bautista.
Nag-ugat ang reklamo laban kay Bautista kasunod ng alegasyon ng kaniyang asawa na si Ginang Patricia Paz hinggil sa umano’y tagong yaman ng poll chief na nagkakahalaga ng dalawang bilyong piso.
(Ulat ni Jill Resontoc)