Idinepensa ni Cong. Ronnie Zamora ang desisyon ng nakararami sa Commission on Appointments o CA na ibasura ang nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Zamora, hindi sapat ang passion ni Lopez na pangalagaan ang kalikasan para pangasiwaan ang DENR.
Mas mahalaga pa rin anya ang kaalamang teknikal at karanasan dahil ang nakasalalay sa usapin ang kabuhayan ng libo-libong manggagawa.
Binigyang diin ni Zamora na hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pag-ban ni Lopez sa ilang mining companies dahil lamang sa hindi niya gusto ang paraan ng pagmimina ng mga ito.
Si Zamora ang Vice Chairman ng Commission on Appointments Committee on Environment.
Matatandaan na umani na rin ng pagbatikos si Zamora dahil nasa negosyo ng pagmimina ang kanyang kapatid.
“Yung fitness for the job, yung qualifications, yung experience, it seems like depending upon her staff rather than depending upon herself, for major decisions, for major policies ay baka hindi tama yun, baka ang dapat i-appoint ay ang mga staff niya at hindi siya, pagdating ng panahon ang isyu dito ay unang-una ang pansarili niyang qualifications, it is not just passion it is also your intention to abide by the league of your job.” Pahayag ni Zamora
By Len Aguirre | Karambola (Interview)
Zamora kay Lopez: It is not just about passion was last modified: May 4th, 2017 by DWIZ 882