Pinagtibay na ng Sandiganbayan 4th Division ang pagbasura sa 200 billion peso civil case kaugnay sa assets at properties ng pamilya Marcos, na karamiha’y narekober ng gobyerno sa mga nakalipas na taon.
Sa 12 pahinang July 22 Resolution, ibinasura ng Anti-Graft Court ang Motion for Reconsideration ng Presidential Commission on Good Government para baligtarin ang December 16, 2019 ruling na nag-dismiss naman sa kanilang hirit na reversion, reconveyance, restitution at accounting ng umano’y 200 billion peso ill-gotten wealth ng mga Marcos.
Ang naturang resolusyon ay pinonente ni 4th Division Chairman Alex Quiroz na sinang-ayunan nina Associate Justices Maria Theresa Mendoza-Arcega at Maryann Corpus-Mañalac.
Bago ang December 16, 2019 ruling, ipinag-utos na ng Sandiganbayan sa p.c.g.g. na magsumite ng report sa status ng properties na sinusubukang marekober sa mga nasasakdal.
Ipinunto ng korte na ang pagbasura sa buong complaint alinsunod sa best evidence rule ay hindi “warranted” lalo’t karamihan sa mga ari-arian ay matagal nang narekober ng pamahalaan.
Kabilang sa mga narekober ay shares of stock sa ilalim ng IRC Group of Companies na ibinigay sa gobyerno sa pamamagitan ng compromise agreement kay Jose Campos noong 1994;
526 pieces ng sequestered art collections na nasa kustodiya na ng Bangko Sentral ng Pilipinas at 111,415 shares ng PLDT sa PTIC na idinispose noong 2006 sa pamamagitan ng public bidding pabor sa Metro Pacific Assets Holdings sa halagang 25.2 billion pesos.