Ikinalugod ni Jesus is Lord Church Founder at Cibac Partylist Representative Eddie Villanueva ang desisyon ng Korte Suprema na tuluyang nagbabasura sa petisyon hinggil sa same-sex marriage.
Ayon kay Villanueva, pinatunayan lamang ng Korte Suprema ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ipinaglalaban sa paggigiit na tanging sa pagitan lamang ng lalaki at babae ang kasal.
Dagdag ni Villanueva, ang pasiya ng Korte Suprema ay hindi lamang dakilang hangad ng Panginoon kundi ang pinaninindigang kalooban at kagustuhan ng umiiral na batas.
Binigyang diin pa ni Villanueva, nilikha ang family code para sumalamin sa kasaysayan, tradisyon at pagpapahalaga sa relihiyon ng mga Pilipino.
Ang pagpapadeklara aniya dito bilang unconstitutional ay katumbas ng pagtanggi sa pagkakakilalan ng mga Pilipino at pagtalikod sa kinlakhang moral ng bawat isa.