Hindi maka-aapekto sa kampanya ng gobyerno laban sa insurgency ang pagbasura ng korte sa proscription case ng Department of Justice na naglalayong ideklara bilang terrorist group ang CPP-NPA.
Ayon kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na dating PNP chief, hindi magiging sagabal sa pagsisikap ng pamahalaan na sugpuin ang naturang grupo na banta o salot sa lipunan.
Bagaman nakalulungkot at nakapang-hihinayang na hindi nagtagumpay ang hangarin na ipadeklarang teroristang grupo ang CPP-NPA, iginagalang anya nila ang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 19.
Aminado si Dela Rosa na malaking tulong sana sa pagresolba o paglaban sa insurhensiya kung idineklarang teroristang grupo ang CPP-NPA. —ulat mula kay Cely O. Bueno (Patrol 19)