Pag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-dispose na ang Smartmatic bilang provider ng vote counting machine na ginagamit tuwing eleksyon.
Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, matimbang ang opinyon ng pangulo kung saan partikular na binanggit nito ang tanggalin ang sistema ng bidding.
Kailangan lang aniya ay baguhin ang rules na nagtatalaga na kailangang dumaan sa public bidding ang pagkuha ng bagong voting machine provider.
Sa talumpati ng pangulo sa Filipino community sa Japan ay nanawagan ito na tanggalin na ang smartmatic upang maging maayos ang sistema ng eleksiyon sa bansa.