Ipababasura ng National Democratic Front of the Philippines ang VFA o Visiting Forces Agreement at EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement kay incoming President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Fidel Agcaoili, isa sa mga negotiators ng NDFP, non-negotiable ang kagustuhan nilang mawala ang presensya ng mga sundalong Amerikano sa bansa na binigbigyang daan ng VFA at EDCA.
Binigyang diin ni Agcaoili na matagal na nilang posisyon na hindi dapat manatili sa bansa ang mga Amerikanong sundalo dahil pagyurak ito sa kalayaan ng Pilipinas bilang isang bansa.
Maliban sa presensya ng mga Amerikanong sundalo sa bansa sinabi ni Agcaoili na isusulong rin nila ang isang National Industrialization Program na hindi nakaangkla o umaasa sa dayuhang mamumuhunan foreign investment gayundin ang land reform para sa maiahon sa kahirapan ang mga magsasaka.
By Len Aguirre