Tuluy-tuloy ang pagpapaabot ng pagbati ng world leaders kay U.S. President Elect Joe Biden.
Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati kay Biden at sa running mate nitong si Vice President Kamala Harris sina French President Emmanuel Macron, british Prime Minister Boris Johnson, Ireland Prime Minister Micheal Martin, Prime Minister ng Greece na si Kyriakos Mitsotakis at Italian Prime Minister Giuseppe Conte.
Nagpaabot din ng kanilang congratulatory messages kina Biden at Harris ang mga lider ng Spain, Israel, Iraq, Iran, Egypt, Jordan, Palestinian Territories, Taliban, Canada, Cuba, Australia, New Zealand, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Thailand, India, Afghanistan, Nigeria, South Africa, Mexico at Nato.
Hangad ng world leaders ang patuloy na kooperasyon sa ilalim ng Biden administration sa pagharap ng mga hamon matapos ang apat na taong anila’y volatile years of diplomacy o matensyong pakikipag-ugnayan kay outgoing U.S. President Donald Trump.