Hindi na dapat ikagulat ni Senador Grace Poe ang sunud-sunod na paglutang ng mga batikos sa kaniya kahit hindi pa nagdedeklara ng kandidatura sa 2016 Presidential elections.
Binigyang diin ito ni political analyst Professor Prospero de Vera dahil normal na aniya ang ulanin ng batikos ang isang pulitikong tatakbo sa mas mataas na posisyon at nangunguna sa survey.
Sinabi pa ni de Vera na normal din sa pulitika na hanapan ng isyu ang isang kandidato para bumulusok sa survey kaya’t dapat maging maingat ni Senadora Poe.
By Judith Larino