Dinepensahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga gobyerno sa mga batikos na “Overreacting” umano ang pagtugon nito sa problema sa bird flu outbreak.
Sa pagharap sa Senate Finance Committee hearing hinggil sa 2018 proposed budget ng D.A., inihayag ni Piñol na mas gugustuhin niyang ma-akusahan ng pagiging overreacting kaysa pagbintangan na hinayaang kumalat sa bansa ang virus.
Ayon sa kalihim, batid niyang ang mga tsismis na wala naman talagang bird flu crisis noong unang pumutok ang balita na may Avian Influenza Virus Outbreak sa San Luis, Pampanga.
Sa katunayan anya ay nagdesisyon siyang ipagbawal ang shipment ng mga poultry product mula sa lugar na apektado ng outbreak nang makarating sa kanya ang impormasyon.
Nito lamang Sabado, idineklara ng D.A. na tapos na ang bird flu crisis.
By: Drew Nacino
SMW: RPE