Hindi na kailangang humingi ng paumanhin si Atty. Mandy Therese Anderson, Chief of Staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, sa pagtawag nitong “tanga” kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.
Ayon kay Alvarez, balewala na ang mga batikos laban sa kanya ni Anderson sa social media dahil lalabas din naman kung sino talaga ang “tanga.”
Sa halip na magbatuhan ng akusasyon, iginiit ni Alvarez na dapat tutukan na lamang ang mga lehitimong issue lalo ang shipment ng shabu mula China na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos na nakalusot sa Bureau of Customs.
Magugunitang inihayag ni Anderson sa Facebook post nito kung gaano “ka-tanga” ang House Speaker bunsod ng pag-e-endorse umano nito upang ma-promote ang isang BOC official na ikinukunsiderang hindi kuwalipikado sa posisyon.
By Drew Nacino