Sinopla ni PDP Laban President at Energy Sec. Alfonso Cusi ang mga batikos na dinudungisan nila constitution and by laws ng kanilang partido at nanindigang wala silang nilalabag.
Ito’y kasunod ng pag endorso nila kay dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr na ayon kina Sen. Aquilino Koko Pimentel at presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ay isang maling desisyon.
Giit nila Pacquiao at Pimentel, itinatag ang PDP Laban upang labanan ang diktadurya ng ama ni BBM na si yumaong dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.
Ayon kay Cusi, walang pasubaling nakamit umano ng batang marcos ang kanilang mga pamantayan o kwalipikasyon sa isang pinuno salig sa kanilang 11 point agenda, ito ay ang:
Sugpuin ang kurapsyon
Tapusin ang Kahirapan
Pagpapatibay sa kapayapaan
Pag sugpo sa terorismo, kumonista
Pagpapalakas ng kabuhayan
Pagpapalakas ng depensa sa loob at labas ng bansa
Trabaho
Maayos na edukasyon
Pagpapalakas sa local na pamahalaan
Pag ahon sa pandemsya
Pagsulong ng Federalismo
Ito aniya ay pawang mga adhikaing nais iwan ni Pang. Rodrigo Duterte upang maipagpatuloy pagtapos ng kaniyang termino
Una rito, naghayag din ng kanilang pagsuporta sa mga adhikain ng Pangulo si Mayor Isko Moreno, subalit bigla itong minaliit ni Cong. Rodante Marcoleta at sinabing nanggaling sa ilong ng Alkalde ang kaniyang naging pahayag
Sinegundahan naman ito ng tinaguriang lucky 7 senatorial bet ng PDP Laban na siyang dahilan kaya’t nabuo ang pasya ng partido na suportahan ang batang Marcos
Kabilang sa Senatorial line up ng PDP Laban ay sina:
- Greco Belgica (09)
- Rey Langit (39)
- Rodante Marcoleta (43)
- Robin Padilla (49)
- Salvador Sal Panelo (50)
- Astra Pimentel (51)
Sa kaso naman ni dating Agrarian Reform Sec. John Castriciones (13) na una nang sumuporta kay Manila Mayor Isko Moreno, sinabi ni Cusi na kanila itong igagalang at pag uusapan.
– ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)