Posibleng nagkamali umano si House Justice Committee Chair Reynaldo Umali nang sabihin nito na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno lamang ang maaaring mag – cross examine sa mga testigo laban sa kinahaharap nitong impeachment complaint.
Ito ay matapos sabihin ni Umali na hindi papayagan ng Kongreso ang mga abogado ni Sereno na magsagawa ng cross examination sa mga haharap na witness sa impeachment hearing ng punong mahistrado.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, nakasaad sa ilalim ng Bill of Rights ang Right to Counsel ng akusado at ang Right of Cross-Examination sa pamamagitan ng abogado ay protektado sa ilalim ng Philippine jurisprudence.
Dagdag pa ni Umali, mahalaga at proactive ang ginagampanang papel ng abogado ng respondent sa impeachment proceedings.
Nauna rito, lumiham si CJ Sereno sa Kamara upang hilingin na payagan ang kanyang kampo na magtanong at kumprontahin ang mga testigo laban sa kinahaharap nitong reklamo.