Sinupalpal ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON ang kautusang nagbabawal sa mga sign board at rosaryo sa mga windshield ng mga sasakyan.
Ayon kay PISTON President George San Mateo, wala namang masama kung ipagbawal ang anumang nakasasagabal sa tinatawag na “line of sight” ng drayber.
Gayunman, “over-reacting” na anya kung ipagbabawal ang mga rosaryo at signage sa windshield ng mga public utility vehicle tulad ng jeep.
Iginiit ni San Mateo na lalong mahihirapan ang mga pasahero kung hindi nila makikita ang signage na nagsasabi ng ruta ng mga PUV na kanilang sasakyan.
Una ng inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na lilimitahan nila ang bilang ng mga signage sa mga PUV bilang bahagi ng Anti-Distracted Driving Law.
By Drew Nacino