Dumipensa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa bago nilang panuntunan na ipagbawal ang UV Express sa EDSA.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, batay sa kanilang mga datos, walang naisyung prangkisa sa mga UV operators na dumadaan sa EDSA.
Base sa bagong panuntunan ng LTFRB, maaaring gamitin ng mga UV Express ang kahit anong kalsada para makarating ng mabilis sa kanilang destinasyon maliban sa EDSA subalit puwede silang tumawid dito.
Iginiit rin ni Delgra na malinaw sa prangkisa ng mga UV express na point to point service sila kayat hindi sila maaaring mag-pick up o magbaba ng pasahero sa kalagitnaan ng kanilang destinasyon.
By Len Aguirre
Photo Credit: Mark Balmores