Inihain sa Kamara ang panukala hinggil sa pagbabawal sa mga batang may edad 13 pababa sa paggamit ng social media platforms na Facebook (FB) at Twitter.
Isinulong ang nasabing panukala sa gitna na rin ng lumalaganap na digital marketing system ng FB at Twitter na target ay mga kabataan.
Batay sa House Bill 5307, sinabi ni Deputy Speaker Danilo Fernandez na dapat palakasin ng FB at Twitter ang kanilang hakbang para mabawalang gumamit ang nasa 13 anyos pababa lalo na’t nakaka alarma aniya na namo monitor sa social media ang galaw ng mga minors.
Gayundin ang maraming advertisements kapag ginamit ng mga menor de edad ang internet sa kanilang pag aaral at komunikasyon sa kanilang mga kaibigan.
Sa ilalim ng batas, bawal din ang pagkalap ng personal na impormasyon at pag-monitor sa lokasyon ng mga menor de edad ng walang consent ng kanilang mga magulang.