Isinusulong ng mga senador ang pag-ban o pagbabawal sa pagbebenta o paggamit ng mga electronic cigarettes o vape sa bansa.
Ayon kay Senador Francis Tolentino, hindi saklaw ng anumang batas ang paggamit at pagbenta ng vape kaya maaaring baguhin o ibahin ang sangkap ng likidong ginagamit dito.
Maaari aniya kasing mapalitan ng methamphetamine hydrochloride o shabu at iba pang iligal na droga ang nilalaman ng vape habang ilan naman ay nagtataglay na aniya ng tetrahydricannabinol na nakukuha sa marijuana.
Nananawagan din si Tolentino na maipasama ang vape sa mga produktong pinapatawan ng mataas na sin tax.
Sinabi naman ni Senador Bong Go na kanyang irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng executive order kaugnay ng paglimita sa paggawa, distribusyon, pagbebenta, at paggamit ng lahat ng uri ng e-cigarettes.
Una na ring sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na iba’t ibang hindi tukoy na mga kemikal ang pinaghahalo sa vape products.
Yung usok, pwede rin nila timplahin yugn lakas noon, pero gustong gusto nila ang malakas na usok..Yung gumagamit, pag ang tinimpla mo doon ay may marijuana, cocaine, at iba ibang juices, iba nagiging effect doon tsaka nagiging masama,” —ani Senate President Vicente Sotto III.