Naging pabor sa mga magsasakang Pilipino ang nabawas na 300,000 metric tons (MT) ng bigas mula sa rice imports ng bansa na bunga ng mga naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng administrasyong Marcos, nakamit ng Pilipinas ang pinakamalaking ani nitong 20.06 million MT ng palay noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng 1.5% kumpara noong 2022.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagbibigay ng pamahalaan ng magandang uri ng binhi at pataba sa mga magsasaka ang naging dahilan kung bakit tumaas ang rice production sa bansa.
Pangako niya, mananatili ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka, kasabay ng paghahanda sa epekto ng El Niño.
Tiniyak din ng Pangulo na patuloy na tutulungan ng administrasyon ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na gagamitin sa distribusyon ng tillers, tractors, seeders, rice planters, driers, at iba pang kagamitang pansaka.