Inihayag ni Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) Chief Charlie del Rosario na kanila nang ipinauubaya sa mga eksperto ang desisyon sa pagbabawas ng kapasidad o mananakay sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay del Rosario, hindi sila ang magdidikta kung hindi o dapat bawasan ang bilang ng mga pasahero sa mga public vehicle kundi ang mga eksperto.
Sinabi ni del Rosario na kanilang irerespeto ang anumang maging desisyon ng mga eksperto hinggil sa naturang isyu kung saan, kanila lamang ipatutupad ang mga panuntunan, sakaling magpasya na ang mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad ng public minimum health protocols sa mga pampublikong sasakyan sa mga lugar na nasa alert level 1 sa harap ng tumataas na kaso ng COVID-19.