Pinag-aaralan na ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang posibleng pagbawas sa pag-export coconut oil ng bansa.
Ito ay para mabasawasan ang epekto sa mga Pinoy ng tumataas na presyo ng cooking oil partikular ang refined coconut oil at palm oil sa lokal at pandaigdigang merkado.
Ayon kay PCA Trade and Market Development head Rose Villaruel, tumaas kasi sa P132 ang presyo ng kada litro ng mantika mula sa dating P107 kada litro noong Enero.
Habang pumalo na sa P117 ang presyo ng kada litro ng palm oil mula sa dating P88 kada litro noong unang mga buwan ng taong 2022.
Maliban dito, inihayag din ni Villaruel na mas maganda kung dito na ipo-proseso sa bansa ang mga high value products para hindi na aasa sa sa ibang bansa ang Pilipinas.