Tila mababalewala ang unti-unti nang pagbawi ng ekonomiya ng bansa.
Ito ayon kay Edgardo Lacson, Acting President ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ay kapag inabot pa o mapalawig pa ng tatlong linggo ang umiiral na ECQ sa Metro Manila.
Sinabi ni Lacson na tiwala siyang “over reaction” lamang sa tumataas na kaso ng Delta variant ng Coronavirus ang lumutang na five week lockdown.
Ang nasabing pahayag ni Lacson ay sinegundahan naman ng Financial Executives Institute of the Philippines.