Wala nang epekto pa kung babawiin ng ilang kongresista ang kanilang naunang botong pabor sa anti-terrorism bill.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang nakasaad sa patakaran na maaari pang baguhin ang kanilang unang naging boto matapos na mabilang at maaprubahan ang isang panukala sa ikalawa at huling pagbasa.
Ani Roque, mas maigi na lang kung ipiprisinta nila ang dahilan kung bakit nila nais baguhin ang kanilang boto.
Gayunman, wala na rin naman umano itong magiging epekto sa kahihinatnan ng panukala.
Matatandaang ilan sa mga nais magpalit ng boto ay sina Muntinlupa Representative Ruffy Biazon at Albay Representative Joey Salceda.