Ikinagalak ng Department of Transportation (DOTr) ang ginawang pagbawi ng United States Department of Homeland Security sa ipinalabas nitong security advisory laban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang positibong development ay dahil sa sama-samang pagsisikap ng DOtr at iba pang civil aviation security group para maiayos ang seguridad sa NAIA.
Dahil aniya dito, makaaasa ang mga pasahero sa ligtas at maayos na paliparan sa bansa na naayon sa international standards.