Takot ang posibleng nananaig sa mga ikinulong sa secret jail kaya’t binawi nila ang nauna nilang testimonya na hinihingan sila ng pera ng mga pulis kapalit ng kanilang kalayaan.
Reaksyon ito ni Atty. Jackie De Guia, spokesperson ng CHR o Commission on Human Rights matapos sabihin na di umano’y umamin ang mga bilanggo kay Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na, nagsinungaling lamang sila sa CHR.
Ayon kay De Guia, sa ngayon ay nagpapatuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa natuklasang secret jail sa Tondo, Maynila.
Inatasan na rin anya ng pamunuan ng CHR ang kanilang regional offices na alamin kung may mga sikretong kulungan rin sa mga lalawigan sa kanilang taunang pagbisita sa mga bilangguan.
“Kaya naman po sinasabi sa batas RA 9745 na kinakailangan magbigay ng sufficient government protection ang otoridad at siguraduhin po ang transfer, from the custody of the police authority dahil hindi po malayong mangyari na habang nasa kustodiya sila ng mga taong inaakusahan nila ay nananaig ang takot kaya naman po malaki ang prababilidad na hindi po nila panindigan yung un apo nilang pahayag”, pahayg ni Atty. Jackie De Guia ang spokesperson ng CHR sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)