Walang ibang dapat sisihin ang New People’s Army sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklara nitong Unilateral Ceasefire, kundi ang kanilang mga sarili.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa matapos bawiin ang Suspension Of Police Operations o SOPO.
Ayon kay Dela Rosa, ang dahilan ng pagbawi sa Ceasefire ay ang pag-atake ng NPA sa grupo ng Cafgu sa Davao el Norte.
Una nang itinuro ng NPA ang mga militar na hindi umano sumunod sa tigil-putukan na idineklara ng Pangulo.
Sa ngayon, sinabi ng PNP-Chief na balik sa normal na trabaho at alerto ang mga pulis laban sa posibilidad na pag-atake ng NPA sa mga lugar na malakas ang presensya ng rebeldeng grupo.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 31) Jonathan Andal