Walang epekto kay Floyd Mayweather Jr. ang pagbawi ng World Boxing Organization o WBO sa welterweight title belt na napanalunan nito kay People’s Champ Manny Pacquiao.
Ayon sa kilalang sports analyst na si Dennis Principe, ito ay dahil may bahid ang kredibilidad ng naturang boxing organization.
“It’s more of dahil meron silang hinihingi kay Mayweather na hindi ibinigay ng American champion kaya naging ganun ang kanilang desisyon.” Ani Principe.
Samantala, para kay Principe ay posible pa rin mangyari ang rematch ng laban ni Pacman at Mayweather.
“Kung mangyari man yan, I don’t think mapapantayan yung success nung unang laban in terms of benta sa pay per view tsaka yung interes ng tao.” Pahayag ni Principe.
Next for Pacman
Aminado ang sports analyst na si Dennis Principe na wala pang kasiguraduhan sa susunod na yugto sa boxing career ni People’s Champ Manny Pacquiao.
Ayon kay Principe, dapat ay nakabalik na sa Amerika si Pacquiao para sa check-up ng naoperahang balikat nito ngunit hindi pa ito nahaharap ng mambabatas.
Samantala, sinabi ni Principe na mahirap man na matumbasan ang naging tugumpay ni Pacquiao ay mayroon namang mga bagong sibol na boksingero para magtuloy ng legasiya nito sa boksing.
“Ang pinakamalaking laban na dapat nating abangan this coming Saturday, yung nag-iisa nating world champion, isa na lang ang world champion natin si Donnie Nietes and the following week, another fighter si Arthur Villanueva ng Bacolod, undefeated lalaban siya sa World Super Flyweight Championship.” Dagdag ni Principe.
By Rianne Briones | Ratsada Balita