Mariing binatikos ng NUPL o National Union of People’s Lawyers ang ginawang pagbawi sa amnesty at pag papaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay NUPL Secretary General Edre Olalia, malinaw ang mensahe ng pangulo sa mga kritiko nito na sumunod o umalis na lamang upang maiwasan ang anumang panggigipit ng pamahalaang Duterte.
Masaklap aniya ang ginagawa ng pangulo na binabago ang batas para maisulong lamang ang kanyang political agenda.
Binanggit ni Olalia ang mga nakaranas na ng panggigipit sa pangulo tulad nina Senadora Leila De Lima, Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Sister Patricia Fox at ngayon si Trillanes naman.
Kaya naman ang tanong ni Olalia ay sino kaya ang isusunod ng administrasyong Duterte.