Kinatigan ng 4th division ng Sandiganbayan ang mosyon ng Ombudsman na bawiin ang kasong graft at usurpation of authority laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino III at dating PNP Chief Alan Purisima kaugnay sa Mamasapano case.
Ayon kay 4th division Associate Justice Alex Quiros ang desisyong paboran ang motion to withdraw information ng Ombudsman ay hindi makakaapekto sa pagsasampa ng nararapat na kaso laban kina Aquino at Purisima.
Ipinag utos din ng korte ang pagsasauli ng cash bond nina Aquino at Purisima at inalis na rin maging ang hold departure order laban sa mga ito.
Una nang inihayag ng Ombudsman sa kanilang mosyon na walang sapat na batayan ang pagsasampa ng kaso laban kina Aquino at Purisima batay na rin sa revised penal code.