Posibleng matapos na ngayong buwan ang krisis sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, maliban sa paliit nang paliit ang ginagalawan ng mga teroristang Maute sinasabing kinakapos na rin ang mga ito sa suplay ng bala at pagkain.
Kitang-kita aniya ito sa pakikipagpalitan ng putok ng Maute sa tropa ng pamahalaan na pangilan-ngilan na lang di gaya dati.
Batay sa tala ng militar, nasa 40 hanggang 60 pa ang bihag ng Maute na nagttago sa mga mosque o masjid.
By Ralph Obina