Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang pagbawi ng kagawaran sa mga gadget na inisyu sa mga guro nuong kasagsagan ng pandemya sa bansa.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na ipinahiram lamang sa mga guro ang mga ito nuong lockdown para magamit sa blended learning.
Ang mga laptop at gadgets na binawi aniya ay ang mga ginagamit ng mga estudyante sa mga computer laboratory sa eskwelahan.
Malinaw rin aniya na nakasaad sa memorandum order na inilabas ng DepEd noong April 2020 na obligado ang mga guro na ibalik ang mga gadget kapag balik-normal na ang operasyon ng mga klase.