Pinabibilisan na ng Bangladesh sa Pilipinas ang legal na proseso para maibalik sa kanila ang 81 million dollars na ninakaw sa kanilang account sa Federal Reserve Bank sa New York, USA.
Ang kahilingan ay ipinaabot ni Bangladesh Ambassador Asad Alam Siam.
Itinuturing nang pag-usad ng Bangladesh government ang pagsasampa ng kaso laban kay dating RCBC bank Jupiter branch Manager Maia Deguito sa Makati City.
Tiwala ang Bangladesh government na mapapanagot din ang iba pang sangkot sa usapin lalo na’t nagpadala na sila ng isang team para maisulong ang pag-rekober sa bahagi ng nawawalang pera.
Ipinabatid ni Siam na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Federal Reserve Bank sa New York, Swift at iba pang institusyon sa ibang bansa para mapabilis ang proseso nang pagbawi sa nasabing salapi.
Una nang naibalik ng gobyerno ng Pilipinas ang labing limang (15) milyong dolyar.