Hiniling sa Korte Suprema ng IBP at ni Human Rights Lawyer Chel Diokno na paboran ang mosyon nilang bawiin ang petisyon hinggil a writ of kalikasan na isinampa nila bilang kinatawan ng ilang mangingisda.
Ang naturang petisyon ay isinampa ng mga ahensya ng gobyerno dahil sa kabiguan umanong ma protektahan ang West Philippine Sea laban sa illegal fishing at pangunguha ng marine resources ng mga Chinese nationals.
Sinabi ng IBP at ni Diokno na hiniling na sa kanila ng tatlo sa mga mangingisda na bawiin na ang nasabing petisyon na isinampa rin ng halos 40 mangingisda pa mula sa Palawan.