Sinuportahan ng ilang senador ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Sen. Tito Sotto, ang naturang hakbang ay indikasyon na seryoso at hindi patitinag ang Pangulo sa kanyang mga plano.
Hindi naman masisisi ang Pangulo, ayon kay Senator JV Ejercito, dahil ang CPP-NPA-NDF ang tumanggi sa inialok na kapayapaan ng Pangulo.
Hinimok naman ni Sen. Antonio Trillanes IV ang Pangulo na tanggalin na din sa kanyang gabinete ang mga kinatawan ng komunista na sina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at DSWD Secretary Judy Taguiwalo dahil baka gamitin ng mga ito ang pondo ng pamahalaan para isulong ang programa ng mga komunista.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)