Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese Businessmen na magbayad ng tamang buwis para hindi matukso ang mga taga-gobyerno sa katiwalian.
Sa kanyang talumpati sa 31st Biennial Convention of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry o FCCCI sa Mall Of Asia, inihayag ng Pangulo na seryoso ito sa kanyang kampanya kontra korapsyon sa gobyerno.
Kapag may lumapit anya sa mga negosyante para maging padrino sa kanilang mga bayarin sa buwis, hinimok ng punong ehekutibo ang mga ito na magsumbong sa kanya para mabigyan ng leksyon.
Ayon sa Pangulo, sasampalin niya sa harap ng mga negosyante ang sino mang gustong mangomisyon sa buwis.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping