Bawal at iligal ang pagbebenta at pagbili ng lupa sa loob ng New Bilibid Prison at iba pang pasilidad nito.
Ayon ito sa Bureau of Corrections dahil naka reserba ang mga nasabing lupain sa pansamantalang housing project ng mga aktibong personnel at anim pang prison facilities sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Kasunod na rin ito ng mga report na natanggap ng BuCor Business Center hinggil sa ilang tauhan nito gayundin ng BuCoroa o Bureau of Corrections Correctional Officers Association at Biazon Road Homeowners Association na nagbebenta ng bahagi ng government owned land property at nangongolekta ng bayad mula sa miyembro ng BuCoroa na labag sa batas.
Ipinabatid ni BuCor Director General Gerald Bantag na nag isyu na sila ng cease and desist order laban sa isa sa corrections officers upang matigil na ang pagbebenta ng lupa para sa panukalang housing programs.