Ipinagbawal na ng Supreme Court ang produksyon at pagbebenta ng mga produktong nagtataglay ng kanilang tatak.
Sa Administrative Matter 21-06-07, inatasan ng Korte Suprema ang lahat ng mga manufacturer, distributor at seller ng mga item na may marka ng SC na itigil na ang kanilang aktibidad.
Kabilang sa mga pinagbawalan ang iba’t ibang shopping platforms tulad ng Shopee at Lazada.
Alinsunod sa Article 179 ng Revised Penal Code, mapaparusahan ang sinumang nagbebenta sa publiko at gumagamit ng mga Insignia, uniform o damit ng SC kung hindi naman miyembro ng isang partikular na tanggapan ng hudikatura.
Ipinunto ng high court na ang mga nasabing produkto ay maaaring gamitin ng mga indibidwal sa kanilang mga iligal na aktibidad. —sa panulat ni Drew Nacino