Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi mahahaluan ng pulitika ang bentahan ng bente pesos kada kilo ng bigas sa Visayas.
Kasunod ito ng pambabatikos ni Vice President Sara Duterte na istratehiya lamang ng pamahalaan ang 20 pesos rice project para manalo sa halalan ang mga kandidatong nasa ilalim ng alyansa para sa bagong Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria – Guevarra, na mahigpit na ipinababawal ng commission on elections na gamitin ng mga kandidato ang 20 pesos na bigas para sa pangangampanya.