Inaprubahan na ng US FDA ang pagbebenta ng abortion pills sa mga retails pharmacies sa Estados Unidos.
Ito’y sa kabila ng maraming opisyal na nagnanais ipagbawal ang paggamit ng medication abortion lalo na sa mga kabataan.
Ayon sa FDA, maaaring mag apply ng certification ang mga pharmacy para sa distribution ng abortion pill mula sa isa sa dalawang kumpanyang gumagawa nito na kinabibilangan ng Danco Laboratories at Genbiopro makaraang magsumite ng karagdagang aplikasyon sa DFA.
Matatandaang inalis ng pamahalaan ang naturang tableta noong 2001 dahil sa covid-19 pandemic.