Iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na bawal ang pagbebenta ng bakuna mapa-organisasyon man, institusyon, tao o korporasyon.
Ito ay kasunod ng mga ulat na pinagkakakitaan ang COVID-19 vaccines ng mga mapagsamantala.
Batay sa ordinansang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Maynila No. 8740, ang mga mapatutunayang nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19 ay magmumulta ng P5,000 at makukulong sa loob ng anim na buwan.
Gayundin, kukumpiskahin ang mga business permit ng mga negosyong mahuhuling nagbebenta.
Dadag ng Alkalde bawal ikaltas sa sweldo ng mga empleyado ang bakunang ibibigay ng mga pribadong sektor sa Maynila.
Samantala, iniimbestigahan naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ulat ng talamak na umano’y bentahan ng COVID-19 vaccination slots sa Mandaluyong at San Juan.