Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga rapid anti-body test kit sa mga botika o drug stores.
Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) kahit inaprubahan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbebenta nito sa publiko.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, kailangan pa rin aniya kasing isagawa ang testing ng mga doktor kaya’t hindi pa ito maaaring ibenta sa publiko.
Ipinaalala pa ni Vergiere na mahaharap sa karampatang parusa ang alinmang botika o sinumang magbebenta ng mga rapid test kits.
Sa kasalukuyan, 204 ang bilang ng mga aprubadong COVID-19 test kits sa bansa kabilang na ang 71 polymerase chain reaction (PCR) based test kits.
Gayundin ang 77 rapid anti-body test kits at 51 immunossay test kits at 5 iba pa.