Nilagdaan na ang kautusan na magbabawal sa pagbebenta ng flavored e-cigarettes at flavored e-liquids sa New York City.
Layon nang nilagdaang intro 1362-A ni Mayor Bill De Blasio na maiiwas ang mga kabataan sa paggamit ng e-cigarettes.
Sa ilalim ng kautusan, ipinagbabawal na sa New York City simula sa July 1, 2020 ang pagbebenta ng flavored e-cigarettes at flavored e-liquids kabilang ang mga mint, menthol at wintergreen e-cigarettes at e-liquids.