Mananatili sa wet market ang bentahan ng mga imported na isda gaya ng salmon at pampano.
Ito ang tiniyak ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) OIC Director Atty. Demosthenes Escoto sa mga senador matapos ang naging pagdinig sa Senate Committee on Agriculture.
Ayon kay Escoto, magpapatuloy ang umiiral na moratorium para sa malayang bentahan ng mga nabanggit na isda.
Sinabi ng opisyal na inimbitahan na nila ang mga stakeholder gaya ng mga market vendors, mga supermarkets at grocery owners na makipagdayalogo para sa mas malinaw na patakaran hinggil dito.
Matatandaang ipinatawag sa senado ang mga opisyal ng bfar para magpaliwanag sa implementasyon ng fisheries Administrative Order (FAO) 195 dahil sa discriminatory.
Sa ngayon, patuloy pang nirerepaso ang naturang panukala na nagbabawal sa pagbebenta ng mga imported na isda sa wet market.