Ititigil na ng Johnson & Johnson ang pagbebenta ng pulbo sa buong mundo na gawa sa Talc.
Ayon sa kumpanya, papalitan na nila ang suplay ng cornstarch-based baby powder.
Matatandaang una rito, naharap noon sa 38 demanda ang Johnson & Johnson, dahil sa ulat na nakaka-cancer umano ang Talc product nito dahil sa halong asbestos, isang carcinogen.
Itinanggi naman ito ng pamunuan ng pulbo at sinabing ilang dekada nang sumailalim sa testing at regulatory approval ang produkto para matiyak na ligtas ito at walang asbestos.