Naunsyami ang dapat sana’y pagbebenta ng libu-libong missile ng bansang Italy sa Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Ito’y bunsod ng pangakong kapayapaan ng italya sa Yemen gayundin sa pagtataguyod sa karapatang pantao.
Pero ayon sa Italian network for peace and disarmament, aabot sa labindalawang missile ang hindi na maibebenta ng Italy sa dalawang nabanggit na bansa.
Una nang inilarawan ng United Nations ang Yemen bilang pinakamalaking humanitarian cirsis ng buong mundo kung saan, 80% nito ang nangangailangan ng tulong.