Magpapatuloy pa rin ang pagbebenta ng 27 pesos na kada kilo ng NFA rice.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Agriculture sa gitna ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, may kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagbebenta ng murang bigas sa publiko.
Naniniwala naman si NFA Officer-in-Charge Administrator Tomas Escarez na malaking tulong ang pagpapanatili ng 27 pesos na bigas para sa mga mahihirap na pamilyang umaasa rito.
Matatandaang batay sa Implementing Rules and Regulations ng batas, malilimitahan na ang papel ng NFA sa pagkuha ng buffer stock para sa kalamidad.